Sunday, July 03, 2011
Friday, July 01, 2011
My body is infested with ant bites
Because it's been months and days and hours and minutes and seconds that I finished writing and shooting my first film, I decided to write a script again. After looking through my "blackbook" (it's actually red in color) of ideas, I decided to choose another concept on psychology of a person. Yeah, it's my favorite genre- psychological thriller/drama/horror/comedy or whatsover.
So yeah, now what?
Friday, June 17, 2011
Pag-ibig is not a Lie
UPCAST 2011 REEL from Judd Bimpo on Vimeo.
University of the Philippines Cinema Arts Society (CAST)
Sirip by Kim Camelo
Agos by Sam Lee
Brownout sa Neighborhood namin That Day by Judd Figuerres
Katipunan by Caloy Soliongco
Dadi by Ilsa Malsi
Ikatatlumpung Kaarawan ni Susan by Roanne Aujero
Sa Pagsapit ng Ika-labing Walo by Phyllis Grande
Alarm by Joseph Pascual
music
Fat Segal - I Am The Cobra (DJ Sweetheart Edit)
Monday, June 06, 2011
May Multo sa Kwarto Ko
Hindi masarap ang tubig na niluma na ng panahon.
Hindi masarap ang tinapay na matagal nang naka-kahon.
Subalit wala ka nang magagawa,
Hindi ka na muling makaka-ahon.
Now playing
Tuesday, May 24, 2011
Friday, May 20, 2011
Puting Ilaw
Puting Ilaw
Isinara mo ang iyong mga mata. Isinara mo ang iyong mga mata at sinabi mo sa iyong sarili, “Sa wakas, tapos na.” Lumipas ang ilang minuto, ilang oras. Ika’y humimlay puno ng kasiyahan. Nakita mo ang kapayapaan. Sa wakas tapos na. Nang isinara mo ang iyong mga mata ay ayaw mo nang bumalik pa.
***
Lakad. Lakad. Lakad. Iba’t ibang kulay ng ilaw ang nakapaligid sa iyo. Mga ilaw na gumagabay sa’yo sa tuwing ika’y tatahak sa mabaho at maduming kunwa’y paraiso ngunit isang malaking kulungan ng mga gamu-gamo. Sinusundan mo ang mga ilaw- pula, asul, dilaw, asul, pula, asul, dilaw. Sa iyong pagsunod sa mga ilaw, alam mong sa dulo ay makakarating ka sa iyong tahanan- o himlayan. Matapos ang isang mahabang araw, ngayon mo lang naramdaman na tila ang iyong mga paa ay naglaho na lang bigla. Naglalakad ngunit tila nakalutang at walang nararamdaman. Pagod ka na.
***
Hindi na kita mahal. Hindi na kita mahal. Hindi na kita mahal.
Mga salitang paulit-ulit na tumuturok sa utak mo. Bawat yapak ng paglutang ay saksak sa puso’t isipan. Hindi mo mawari ang iyong nararamdaman.
Hindi na kita mahal.
Tila isang pusang gala na naghahanap ng bahay na matutuluyan. Patuloy ang pagtahak- asul, pula, asul. Walang tao sa kalye kundi ang mga lalaking naghahanap ng kaligayahan at mga babaing katawan ay ginagawang kasangkapan.
***
Lakad. Lakad. Lakad. Tila wala nang ilaw na nakapaligid sa iyo. Wala nang gumagabay sa iyo. Malinis ang lahat. Lingon dito, lingon doon. Naramdaman mo sandali ang iyong mga paa. Hindi ka makagalaw. Nakita mo ang puting ilaw. At nawalan ka na muli ng pakiramdam. Tila ika’y nasa himpapawid, walang pakiramdam, at lumulutang. Salamat sa puting ilaw.
***
Maingay. Mga boses na bumubulong ng mga salitang para sa iyo ay walang katuturan. Puting ilaw ang bumabalot sa iyong kapaligiran. Mga taong nakapaligid sa iyo ay tila nagugulumihanan. Ngunit ika’y walang nararamdaman kundi tila tubig na umaagos mula sa iyong ulo patungo kung saan man. Kapayapaan, ito ang iyong paglalarawan.
***
Isinara mo ang iyong mga mata. Isinara mo ang iyong mga mata at sinabi mo sa iyong sarili, “Sa wakas, tapos na.” Nang isinara mo ang iyong mga mata ay ayaw mo nang bumalik pa.
Subscribe to:
Posts (Atom)









